Absolute Boyfriend
Na-curious ako sa commercial ng ABS-CBN about sa mga upcoming asianovelas nila kaya nagsearch ako. So, una kong hinanap yung Absolute Boyfriend. WOW lang, angkop na angkop ‘to para sakin. Ganda nung plot niya at sapul na sapul sa mga NBSB na gaya ko.
Napaisip naman ako, pano kaya kung totoo yun —na pwedeng magpagawa ng robot na boyfriend. Kumbaga, yung pagkakagawa sa kanya eh tailored para sayo, in short, siya yung ideal boyfriend mo. He may be a robot, pero tao na tao siya kung titignan mo, and may feelings din, kulang na lang talaga na maging tao siya.
Looking back, meron akong list dati ng gusto ko sa isang guy. Funny, right? Kaso di naman kasi ako mapili eh. As long as makakasundo ko siya, thoughtful, maalaga, average person, mabait, friendly, kontento na ako dun, basta pareho kaming masaya.
Within this week, maghahanap na ako ng DVD nun. Ngayon naman, yung anime version yung pinapanuod ko. Sabi ng mga spoilers, mamamatay daw si ‘Night”. So ineexpect ko na iiyak ako sa huli. Sana maging tao si Night dun sa Taiwanese-Korean adaptation niya. :)