a future nurse's thoughts :)

Time Pressure+FUN..

Super busy ako mula kagabi and kanina dahil sa tambak na articles ko mula nung Saturday. Ngayong hapon ko tinapos yung isang artix ko, thanks sa help ni Cindy. Habang chini-check naman nung SE namin yung article, medyo masakit lang sa bangs yung pagkaka-gawa namin, so he gave me pointers on sports writing rules, etc. Kung di ka talaga magse-seryoso, masakit siya sa ulo. But since passion ko naman siya kaya push lang. Mga 9pm na rin kami natapos and kami na yung huling lumabas na students sa FEU.

Nung nasa kanto na kami ng Morayta para umuwi na, nag-aya si Don na mag-Starbucks sa P. Noval, so go naman kaming lahat. Bale lima kami, ako, si Janice, Richelle, Don and Ace. So nung nandun na kami, tinreat ko si Ace ng coffee bilang may sakit siya and aminado akong na-stress siya sa article namin. I hope na de-stress naman siya dun sa coffee since depressant/relaxant (*checking my book) siya. Chocolate chip cream naman yung akin then bumili rin sina Rits and Don. Nagpatulong na rin ako para sa planner sticker para sa best friend ko. Yun lang kasi maibibigay ko kay BFF since nag-collect na rin ako ng stickers and may planner na rin ako.

Nung complete na kami sa table, na-HOT SEAT ako. Random na tanong about sa org and sections. Medyo fun din yung usapan namin and may kulitan din. Feeling ko, kahit na nakaka-stress yung araw na to, bawing-bawi rin sa almost an hour na kapihan at bonding :)


blog comments powered by Disqus